Solon hinarang, pinaglakad sa Batasan

kartada

Hindi nakapasok sa Batasang Pambansa ang kotseng sinasakyan ng isang congressman matapos makalimutang bitbitin ang car pass.

The post Solon hinarang, pinaglakad sa Batasan appeared first on Abante News Online.

solon hinarang pinaglakad sa batasan - Solon hinarang, pinaglakad sa Batasan
kartada11 - Solon hinarang, pinaglakad sa Batasan

Hindi nakapasok sa Batasang Pambansa ang kotseng sinasakyan ng isang congressman matapos makalimutang bitbitin ang car pass.

Kahit nagpakilala na siyang miyembro ng Kamara, hindi siya pinatawad ng guard dahil sa mahigpit na pinapatupad ang polisiyang no-car pass no-entry para sa State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

In fairness kay congressman, hindi naman ito nagwala sa gate dahil alam niyang siya ang mali sa sitwasyong ito.

Kaya bumaba na lamang ng sasakyan si congressman at naglakad mula sa South Gate entrance patungo sa kanyang opisina.

Ang kapalpakan ni congressman ay pinuri pa ng ilang netizens dahil sa pagsunod nito sa patakaran imbes na gamitin ang kanyang puwesto para maging pasaway.

Pintahan niyo na. Ang kongresistang naglakad matapos harangin ang kanyang sasakyan sa Batasang Pambansa ay kagagaling lamang sa abroad at may letrang B sa kanyang pangalan.

The post Solon hinarang, pinaglakad sa Batasan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *