Solar franchise inaprubahan, Ping pumalag

PINALAGAN ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang ginawang pag-apruba ng Senado sa ikalawang pagbasa sa panukalang batas na nagkakaloob ng 25-taong legislative franchise sa Solar Para sa Ba­yan (SPSB) na pag-aari ng anak ni Senador Loren Legarda na si Leandro Leviste.

The post Solar franchise inaprubahan, Ping pumalag appeared first on Abante News Online.

solar franchise inaprubahan ping pumalag - Solar franchise inaprubahan, Ping pumalag
Solar Para Sa Bayan - Solar franchise inaprubahan, Ping pumalag

PINALAGAN ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang ginawang pag-apruba ng Senado sa ikalawang pagbasa sa panukalang batas na nagkakaloob ng 25-taong legislative franchise sa Solar Para sa Ba­yan (SPSB) na pag-aari ng anak ni Senador Loren Legarda na si Leandro Leviste.

Ang bill na inisponsoran ng Senate committee on Public Services at Committee on Energy ay nag­lalayong magkaloob ng ‘cheap, clean and reliable power energy to unviable, unserved parts of the country’ sa pamamagitan ng micro-grid techno­logy.

Tinukoy ni Lacson ang Section 6 ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at kinuwest­yon ang aplikasyon ng solar firm para sa national franchise ng power generation subalit hindi bilang isang public utility firm.

Ayon naman kay Senador Grace Poe, ang micro-grid technology ay bago sa Pilipinas kaya’t maa­ring hindi itong swak sa EPIRA na bilangkas noong 2001.

“While it is true that under the EPIRA, the ge­neration of electrical power does not require a national franchise, it is significant to note that the micro-grid technology does not only involve ge­neration but also transmission and distribution of electric power for which a franchise is required,” sabi ni Poe.

Samantala, pinabulaaanan naman ni Senate President Vicente Sotto III na isang ‘mega franchise’ ang proyekto.

“Pumasa sa second reading pero napakadaming amendments kase ‘yun nga iniwasan, ‘yung mega, ginawang franchise na lang” paliwag pa ng senador.

The post Solar franchise inaprubahan, Ping pumalag appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *