SOFT bilang basic education inilatag sa Kamara

ISINULONG ni Albay Rep. Joey Salceda sa Kamara ang House Bill 9142 na naglalayong itatag ang ‘Schools of the Future in Technology (SOFT)’ bilang haligi ng basic education ng bansa at magbibigay sa mag-aaral ng mga kaalaman sa makabagong teknolohiya bilang preparasyon sa mga hamon ng ekonomiya at trabaho sa hinaharap.

The post SOFT bilang basic education inilatag sa Kamara appeared first on Abante News Online.

soft bilang basic education inilatag sa kamara - SOFT bilang basic education inilatag sa Kamara
technology - SOFT bilang basic education inilatag sa Kamara

ISINULONG ni Albay Rep. Joey Salceda sa Kamara ang House Bill 9142 na naglalayong itatag ang ‘Schools of the Future in Technology (SOFT)’ bilang haligi ng basic education ng bansa at magbibigay sa mag-aaral ng mga kaalaman sa makabagong teknolohiya bilang preparasyon sa mga hamon ng ekonomiya at trabaho sa hinaharap.

Ang ‘Philippine Schools of the Future Technology Act (PSOFTA) of 2019’ ay sasagutin ang napi­pintong ‘technological and knowledge gap’ na lilikhain ng nagsimula nang fourth industrial revolution na didiskaril sa mga traditio­nal business and employment models na taltalbugan ang ilang propesyon at bubura sa trabaho ng mga manggagawa sa ilang sektor na ang mga gawain ay gagampanan na ng mga makina.

Binanggit ni Salceda ang ilang pag-aaral na nagsasabing sa taong 2025, kalahati ng mga gawain ngayon ay buburahin ng automation dahil sa pagsulong ng teknolohiya sa lahat ng aspeto ng lipunan.

“Mga 65% ng kasalukuyang mga gawain ang mawawalang saysay sa loob lamang ng dalawang taon dahil sa makabagong mga teknolohiya, at bibilis pa ito sa hinaharap” dagdag niya.

“Kung hindi makaka-agapay sa parating na ‘digital economy’ ang mga manggawa, marami ang mawawalan ng trabaho, babagal ang ekonomiya, marami ang maghihirap, ngunit ang kaalaman sa teknolohiya ng mga kabataan ay magbibigay sa kanila ng pagkakataong makapaghanap-buhay,” paliwanag niya.

The post SOFT bilang basic education inilatag sa Kamara appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *