SMC franchise sa Bulacan airport aprub na

Aprubado na sa ikatlo at huling reading sa House of Representative ang congressional franchise para sa pagtayo ng San Miguel Corp ng international airport sa Bulacan.

The post SMC franchise sa Bulacan airport aprub na first appeared on Abante.

smc franchise sa bulacan airport aprub na - SMC franchise sa Bulacan airport aprub na
abante bulacan airport - SMC franchise sa Bulacan airport aprub na

Aprubado na sa ikatlo at huling reading sa House of Representative ang congressional franchise para sa pagtayo ng San Miguel Corp ng international airport sa Bulacan.

Sa botong 218 affirmative, anim na negative at dalawang nag-abstain, lusot na sa Kongreso ang House Bill 7507, na magbibigay ng prangkisa sa San Miguel Aerocity, Inc. para sa New Manila International Airport.

Ang naturang prangkisa ay epektibo ng 50 taon, kasama na ang 10 taong maximum period para sa pagpapagawa ng naturang airport.

Sa ilalim ng construction period, hindi sisingilin ang SMC ng direct at indirect tax, tulad ng income tax, value-added tax, percentage tax, taripa, business tax, franchise tax, at supervision fee.

“This is probably the biggest single-item investment in the country’s history. San Miguel is a Filipino company that has kept nearly all of its money here, to develop this country,” ayon kay Albay Represetative Joey Salceda.

Ang naturang paliparan ay ginawa para mapagaan ang kapasidad ng Ninoy Aquino International Airport, kung saan inaasahan na tatanggap ng abot sa 200 milyong pasahero ang New Manila International Airport kada taon. (RP/Eralyn Prado)

The post SMC franchise sa Bulacan airport aprub na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *