Smartmatic sipain na

NANINDIGAN si Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez na kailangang may legal basis para sipain ang technology solution firm na Smartmatic sa public bidding sa susunod pang eleksyon.

The post Smartmatic sipain na appeared first on Abante News Online.

smartmatic sipain na - Smartmatic sipain na
snart - Smartmatic sipain na

NANINDIGAN si Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez na kailangang may legal basis para sipain ang technology solution firm na Smartmatic sa public bidding sa susunod pang eleksyon.

Reaksyon ito ni Jimenez makaraang magpalabas ng statement si Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang sipain ng Comelec ang serbisyo ng Vene­zuelan firm.

Sa pagsasalita ng Pangulo sa Japan, sinabi nito na nagtataka siya kung bakit patuloy na nakukuha ng Smartmatic ang mga government deal para mangasiwa sa bilangan ng automated elections gayong tadtad ito ng reklamo kaugnay ng umano’y nangyaring kapalpakan sa mga nakaraang eleksyon.

“We need a legal basis to ban any supplier or provider for any future election,” diin pa ni Jimenez.

“There is always a chance na magpalit ng provider. Wala namang hold ang Smartmatic sa atin. Tayo ay sumusunod lamang sa rules ng public bidding kung saan ang Smartmatic ang nanalo,” paliwanag mi Jimenez.

Aniya, nabigla sila sa sinabi ng Pangulo. Hindi umano nila ito puwedeng balewalain gayunman, may sinusunod na batas sa public bidding para sa mga kontratra ng gobyerno.

“We had no idea. We didn’t have inside information that he is planning to give such a statement. So what he said last night, that is the first time we heard it also,” sabi pa nito.

Inutos ng Pangulo sa komisyon na tapusin na ang anumang kasunduan sa multinational techno­logy firm at humanap ng bagong provider na makakatiyak ng isang eleksyon na walang bahid nang anumang pandaraya.

Sinabi ng Presidente na hindi katanggap-tanggap sa kanya at sa sambayanan ang naging serbisyo ng Smartmatic dahil sa mga naiulat na kapalpakan lalo na sa mga ginamit na makina sa katatapos na midterm elections.

Mayroon pa aniyang tatlong taon bago ang susunod na eleksyon at ayaw niyang maulit ang pa­ngit na serbisyo ng kompaya dahil ang mga boto ay hindi nabilang ng totoo.

Idinagdag pa ni Pangulong Duterte na plano niyang isama sana ang isyu ng Smartmatic sa kanyang State Of the Nation Address (SONA) pero hindi na aniya kailangan pa itong patagalin.

“It comes from the President, which has more weight and importance, thus making it imperative for the Comelec to evaluate his statement,” sabi ni Jimenez said.

Nang tanungin kung susundin nila ang utos ng Pangulo, sinagot ito ni Jimenez ng oo.

Ang Smartmatic umano ang nananalo sa public bidding dahil ito ang may malawak na karanasan sa paghawak ng mga automated election sa hanay ng local at foreign bidder.

Sa katatapos na eleksyon, umabot sa 961 VCMs ang nasira habang nasa 1, 665 Secure Digital Cards a ag na-corrupt o nagloko sa panahon ng eleksyon.
Naniniwalasi Jimenez na hindi itinatakwil ng Pangulo ang automated polls, kundi hindi lang ito nasisiyashan sa mga pumapalpak na mga VCM at SD card.

Samantala, sinegundahan naman ng poll watchdog na Kontra Daya na ang kautusan ng Pangulo na i-blacklist ang Smartmatic ay isang hakbang para tuluyang maalis ang foreign intervention sa halalan sa Pilipinas.

Dapat umanong ibalik ng Smartmatic ang bil­yong ibinayad ditto dahil sa malaking kasiraan na ginawa nito sa apat na automated election na pinangunahan nito simula noong 2010 hanggang 2019. (Aileen Taliping)

The post Smartmatic sipain na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *