SK kagawad promotor ng droga

Arestado ang 20-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) councilor sa isang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

The post SK kagawad promotor ng droga first appeared on Abante.

sk kagawad promotor ng droga - SK kagawad promotor ng droga
abante shabu - SK kagawad promotor ng droga

Arestado ang 20-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) councilor sa isang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ni Cavite Police Provincial Office Director PCol. Marlon Santos ang suspek na si Alimar Bayamba, residente ng Barangay Datu Esmael, Dasmarinas City ng lalawigan.

Nasa top 6 ng drug watch list sa Calabarzon si Bayamba at miyembro rin ng Pangandag Drug Group, na nag-o-operate sa Cavite, Laguna at iba pang probinsiya.

Dakong alas-8 ng gabi kamakalawa isinagawa ang buy-bust laban sa kanya ng Bacoor City Police Station sa Brgy. Datu Esmael.

Narekober sa suspek ng 53 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P360,000. (Gene Adsuara)

The post SK kagawad promotor ng droga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *