Sinovac nanalo na sa ‘Pinas – Lacson

May senyales na may “chosen one” na bakuna na ang pamahalaan laban sa COVID-19, sa kabila ng kawalan pa ng Emergency Use Authorization (EUA) sa kahit na anong kompanyang gumagawa nito, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

The post Sinovac nanalo na sa ‘Pinas – Lacson first appeared on Abante.

sinovac nanalo na sa pinas lacson - Sinovac nanalo na sa ‘Pinas – Lacson
abante sinovac - Sinovac nanalo na sa ‘Pinas – Lacson

May senyales na may “chosen one” na bakuna na ang pamahalaan laban sa COVID-19, sa kabila ng kawalan pa ng Emergency Use Authorization (EUA) sa kahit na anong kompanyang gumagawa nito, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sabi ng senador, ang binabanggit ng gobyerno na Sinovac lamang ang puwedeng magamit hanggang sa Hunyo ay nagpapatunay ng pagkakaroon na ng “chosen one” na bakuna.

“Can somebody explain why preference is given to the second most expensive vaccine, has lower efficacy, a record of suspended clinical trials and has not even applied for Emergency Use Authorization (EUA) over other vaccines that cost much less, more efficacious and are about to be granted their EUAs?” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter.

Sabi ni Lacson, mas makatuwiran umano para sa mga Pinoy kung ang pagtrato ng gobyerno sa Sinovac ay gagawin din sa mga bakuna ng ibang bansa na di-hamak na mas epektibo at mas mababa ang presyo.

“That said, the national government should expedite the procurement of all qualified and available vaccines. To borrow Secretary Harry Roque Jr.’s words, it should not be choosy in buying vaccines,” ayon kay Lacson.(Dindo Matining)

The post Sinovac nanalo na sa ‘Pinas – Lacson first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *