Sinitang walang helmet, huli sa panunuhol

Arestado ang isang warehouse boy matapos manuhol sa pulis makaraang mahuling walang suot na helmet, Huwebes ng gabi sa Barangay San Miguel, Pasig City.

sinitang walang helmet huli sa panunuhol - Sinitang walang helmet, huli sa panunuhol
abante suhol - Sinitang walang helmet, huli sa panunuhol

Arestado ang isang warehouse boy matapos manuhol sa pulis makaraang mahuling walang suot na helmet, Huwebes ng gabi sa Barangay San Miguel, Pasig City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Simeon Ogaro Jr., 25, residente ng Pasig City at kinasuhan ng corruption of public official and disobedience to persons in authority.

Naganap ang insidente alas-8:56 ng gabi sa kahabaan ng Mercedez Ave., Barangay San Miguel, habang nagsasagawa ng Oplan: Sita ang mga tauhan ng Pasig Police Community Precinct 5 nang sitahin ni PCpl. Rey Pacis ang suspek kasama ang backride nito na kapwa walang suot na helmet subalit agad na pinaharurot ang motorsiklo para iwasan ang nanghuhuling pulis.

Agad namang hinabol ni PCpl. Pacis ang rider na sakay ng Mio Sporty at backride na si Marlon Manalo na kapwa lasing habang walang maipakitang driver’s license si Ogaro.

Ayon kay Cpl.Pacis, sinuhulan siya ni Ogaro ng P550 para umano sa kanyang paglabag subalit hindi pinayagan ng pulis ang ginawa nito kaya hinuli at dinala sa Pasig Police.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *