Sinibak na Farmers Plaza janitress bibigyan ng trabaho

HINDI matiis ng isang mambabatas na mawalan ng trabaho ang isang janit­ress dahil sa paggamit nito ng common sense sa pagbabawal sa transgender na makapasok sa comfort room ng kababaihan.

sinibak na farmers plaza janitress bibigyan ng trabaho - Sinibak na Farmers Plaza janitress bibigyan ng trabaho
ABANTE Chayra Ganal - Sinibak na Farmers Plaza janitress bibigyan ng trabaho

HINDI matiis ng isang mambabatas na mawalan ng trabaho ang isang janit­ress dahil sa paggamit nito ng common sense sa pagbabawal sa transgender na makapasok sa comfort room ng kababaihan.

Nangako si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na hahanapan ng bagong trabaho si Chayra Ganal matapos itong sibakin sa trabaho bilang janitress ng Farmers Plaza sa Cubao, Quezon City dulot ng komprontasyon nito sa transgender na si Grethen Diez na naging viral sa social media.

“I’d like to offer you a job. I will help you find a job. You used common sense,” saad ni Atienza.

Nanawagan din ang party-list representative sa mga kasamahan niya sa Kamara na ibasura ang panukalang Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression (SOGIE) matapos gamitin ng mga proponent ang insidente sa mall para maipasa ang panukala.

Sa mga naunang report, pinahiya umano ng janitress si Diez at kinaladkad pa palabas ng comfort room ng kababaihan. Ang insidente ay ibinidyo pa ng transgender kaya’t marami ang nagalit kay Ganal, pati na ang management ng mall kaya’t ikinatanggal niya ito sa trabaho.

Subalit sa kopya ng CCTV na nakuha ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, nakita rito ang mga naunang pangyayari na pinayuhan pala si Diez na gamitin ang ikatlong CR pero nag-inarte ito. Makalipas ang ilang minuto, ibinidyo nito ang pagtatangka na makapasok sa CR ng kababaihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *