Singil sa kuryente bababa

BABABA ang singil sa kuryente ngayong buwan ng 27.28 sentimo per kilowatt hour sa P10.2866 per kWh mula sa P10.5594 per kWh noong Abril.

The post Singil sa kuryente bababa appeared first on Abante News Online.

singil sa kuryente bababa - Singil sa kuryente bababa
kuryente 6 - Singil sa kuryente bababa

BABABA ang singil sa kuryente ngayong buwan ng 27.28 sentimo per kilowatt hour sa P10.2866 per kWh mula sa P10.5594 per kWh noong Abril.

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco) kahapon, mababawasan ang bayarin ng mga tahanang kumokonsumo ng 200kWh kada buwan ng P55.

Sabi ng Meralco, bababa ang bill dahil bumaba ang generation charge ng 8.14 sentimo per kWh sa kabuuan nang binawasan ng mga independent power producer at ng mga sakop ng power supply agreement ang kanilang singil dala ng paglakas ng piso laban sa dolyar dahil bumaba ang kanilang fuel cost.

Ayon sa Meralco, 98% ng si­ngil ng mga IPP ay dollar denominated at 78% naman ng singil ng PSA ay dollar denominated.

Malaki naman ang sirit ng pres­yo sa Wholesale Electri­city Spot Market (WESM) dala ng kakula­ngan ng suplay ng kuryente nang hindi nakapagsuplay ang ilang planta nang wala sa schedule.

Nasa 12% ng kuryente na kinukuha ng Meralco ay galing sa WESM at nagmahal ang presyo dito ng P3.5355 per kWh.

Pitong beses nagdeklara ng red alert ang National Grid Corp. of the Philippines nu’ng Abril at nagkaroon ng mga rotating brownout dahil kulang ang kuryente.

Sabi ng Meralco, bumaba ang transmission charge sa mga residential customer ng 8.08 sentimo per kWh at ang bayad sa buwis at iba pa ng 11.06 per kWh. (Eileen Mencias)

The post Singil sa kuryente bababa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *