Singapore airport chief nagbitiw

Bumaba bilang chairman ng Changi Airport Group and Surbana Jurong si Liew Mun Leong, ilang araw matapos ipawalang-sala ng mataas na korte ang dati niyang kasambahay sa kasong theft.

The post Singapore airport chief nagbitiw first appeared on Abante.

singapore airport chief nagbitiw - Singapore airport chief nagbitiw
liew - Singapore airport chief nagbitiw

Bumaba bilang chairman ng Changi Airport Group and Surbana Jurong si Liew Mun Leong, ilang araw matapos ipawalang-sala ng mataas na korte ang dati niyang kasambahay sa kasong theft.

Dahil dito, naging kuwestiyonable ang motibasyon niya sa pasasampa ng police report laban sa kanyang kasambahay, ayon sa ulat ng The Straits Times.

Maliban sa pagiging chairman ng Changi Airport, nagbitiw din si Leong, 74, bilang senior international business adviser ng Singapore investment company na Temasek at bilang isang board member ng Temasek Foundation.

Nakaraang Biyernes nang iabsuwelto ni Justice Chan Seng Onn si dating Indonesian maid Parti Liyani, 46, sa pagnanakaw mula kay Liew at pamilya nito.

______________________

12 patay sa California wildfire

Umakyat sa 12 ang death toll mula sa malawakang sunog sa mga mountain community ng Butte, Plumas at Yuba county sa California habang 16 pa ang nawawala.

Nasa 20,000 residente ang napilitang lumikas matapos lamunin ng apoy ang mahigit 252,000 ektaryang North Complex simula Miyerkoles, ayon sa ulat ng Los Angeles Times.

Isang crew ang hindi kinaya ang sunog sa West Zone sa Butte County. Nakaligtas ang crew pero dalawang bombero ang nagtamo ng mga minor injury.

Umabot ang sunog sa northern Sierra Nevada foothills.

Ayon sa response team spokesman na si Steve Kaufmann, 2,000 istraktura ang nasira at inaasahang tataas pa ito.

Ang insidente ang ika-10 pinakamalaking wildfire sa kasaysayan ng estado, ayon sa California Department of Forestry and Fire Protection.

The post Singapore airport chief nagbitiw first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *