Sinas bagong PNP chief ni Duterte

May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) sa katauhan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Police Major General Debold Sinas.

The post Sinas bagong PNP chief ni Duterte first appeared on Abante.

sinas bagong pnp chief ni duterte - Sinas bagong PNP chief ni Duterte
abante tonite copy 1 18 - Sinas bagong PNP chief ni Duterte

May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) sa katauhan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Police Major General Debold Sinas.

Ang appointment ni Sinas bilang bagong PNP Chief ay inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang regular press briefing sa Malacañang nitong Lunes.

Papalitan ni Sinas si PNP Chief General Camilo Cascolan na nakatakdang magretiro ngayong November 10, 2020.
Agad sinagot ng kalihim ang mga tanong kung bakit si Sinas ang pinili ng Pangulo dahil ito aniya ay prerogative ng isang Presidente.

“Presidential appointments are very executive in character, it is a prerogative of the President and he need not make any explanation for his appointment no,” dagdag ni Roque.

Isa aniya sa tiningnan ni Pangulong Duterte ay ang track record ni Sinas lalo na sa war on drugs na isa sa mga pangunahing adhikain ng Duterte administration.

Kasunod ng appointment kay Sinas ay magreretiro na si outgoing PNP chief General Camilo Cascolan kung saan ay itinakda rin ang turn-over ceremony para sa kapalit nitong si Sinas.(Aileen Taliping/Edwin Balasa)

The post Sinas bagong PNP chief ni Duterte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *