Sinadya? Judge sa Batocabe case nag-leave

Sinadya? Judge sa Batocabe case nag-leave

MULI na naman nadismaya ang prosekusyon matapos na mag-leave si Judge Thesesa Loquillano ng Legazpi City Regional Trial Court para sa pagdinig ng Motion for Inhibition na isinampa sa Batocabe murder case.

sinadya judge sa batocabe case nag leave - Sinadya? Judge sa Batocabe case nag-leave
hammer - Sinadya? Judge sa Batocabe case nag-leave

MULI na naman nadismaya ang prosekusyon matapos na mag-leave si Judge Thesesa Loquillano ng Legazpi City Regional Trial Court para sa pagdinig ng Motion for Inhibition na isinampa sa Batocabe murder case.

Ayon sa prosecution, kaduda-duda ang timing nang pagli-leave ni Loquilano na pumapabor sa akusadong si dating Daraga mayor Carlwyn Baldo.

Si Loquillano ay kaagad na nag-leave matapos na ibasura ang 36-pahinang motion for reconsideration sa loob ng isang araw matapos lagdaan ang release paper ni Baldo.

Sanhi nito, naghihintay pa ngayon ang prosekus­yon sa pagbabalik ng hukom para itakda ang pagdinig sa kaso.

Itinuring ng na isang kawalan ng hustisya sa pamil­ya ng biktimang si Ako Bicol Party-list Rodel Batocabo at bodyguard niyang pulis ang ginagawang delay sa kaso.

Kasama ni Baldo na kinasuhan sina Henry Yuson alyas ‘Romel’ or ‘Eno’, Rolando Arimando alyas ‘RR’, Emmanuel Rosello alyas ‘Boboy’, Jaywin Babor alyas ‘Jie’, Christopher Naval alyas ‘Tuping’, Danilo Muella alyas ‘Manoy Dan’, at Emmanuel Judavar alyas ‘Jude’. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *