Sin tax bill namimiligro sa huling linggo ng sesyon

HIHILINGIN ni Senador Win Gatchalian kay Senate Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara ang paliwanag sa kanyang rekomendasyon na gawing limang taon ang pagtataas ng buwis sa sigarilyo hanggang umabot sa P60 ang buwis.

The post Sin tax bill namimiligro sa huling linggo ng sesyon appeared first on Abante News Online.

sin tax bill namimiligro sa huling linggo ng sesyon - Sin tax bill namimiligro sa huling linggo ng sesyon
cigar - Sin tax bill namimiligro sa huling linggo ng sesyon

HIHILINGIN ni Senador Win Gatchalian kay Senate Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara ang paliwanag sa kanyang rekomendasyon na gawing limang taon ang pagtataas ng buwis sa sigarilyo hanggang umabot sa P60 ang buwis.

Sa panukala ni Gat­chalian, nais nitong ga­wing P70 ang buwis sa sigarilyo upang madoble ang koleksyon ng gobyerno para gamitin sa implementasyon ng Universal Health Care Law.

Bukod aniya sa pagpapataas ng koleksyon sa buwis, malaking bagay ang pagtataas ng sin tax para sa mabawasan ang bilang ng mga naninigaril­yo lalo na ang mga bata.

“P210 million ang ginagastos ng pamahalaan sa pagpapagamot sa mga karamdaman dahil sa sigarilyo pero ang naiipon ng pamahalaan sa sin tax is P100 million mas malaki ang inilalabas ng pamahalaan. Karamihan o halos 90% na pinapagamot ay galing sa mahihirap dahil sila ang lulong kaya sila ang tinatamaan ng TB at lung cancer,” saad ni Gatchalian.

Aminado naman si Gatchalian na kritikal ang panahon para sa pagpapasa ng panukala dahil anim na session day na lamang ang nalalabi sa 17th Congress.

“Aaminin ko na talagang saktong-sakto lang ang oras. Kung mag-sponsor on Monday, Tuesday interpellation, Wednesday amendments. Ito ang assumption namin walang magtatanong pero kung mahaba ang magtatanong at mag-aamyenda tutulak ito hanggang sa susunod na linggo,” paliwanag ni Gacthalian.

“Puwede rin naman humirit ang executive branch ng special session pero of course hindi natin maco-control ang mga gustong magtanong pero ang importante ngayong week na ito very critical ito for the most of the bills,” saad pa ng senador. (Dang Samson-Garcia)

The post Sin tax bill namimiligro sa huling linggo ng sesyon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *