Simunul may bagong mayor- Tawi-Tawi RTC

INIUTOS ng Tawi-Tawi Regional Trial Court (RTC) na iluklok bilang bagong alkalde ng Munisipalidad ng Simunul si Benzar Tambut bilang kapalit ni Mayor Wasilah Abdurahman.

The post Simunul may bagong mayor- Tawi-Tawi RTC first appeared on Abante.

simunul may bagong mayor tawi tawi rtc - Simunul may bagong mayor- Tawi-Tawi RTC
Tawi Tawi - Simunul may bagong mayor- Tawi-Tawi RTC

INIUTOS ng Tawi-Tawi Regional Trial Court (RTC) na iluklok bilang bagong alkalde ng Munisipalidad ng Simunul si Benzar Tambut bilang kapalit ni Mayor Wasilah Abdurahman.

Sa 6-pahinang desisyon ni Judge Grace Tillah ng Branch 26, inatasan niya si Abdurahman na bakantehin ang kanyang posisyon at tigilan na ang mga opisyal na tungkulin na naka-atang sa tanggapan ng Munisipalidad ng Simunul bunga ng nakitang malawakang dayaan.

Inatasan din ng hukuman ang mga awtoridad na tumulong sa pagpapatupad ng kautusan sa oras na makapanumpa na sa kanyang tungkulin ang bagong alkalde.

Inialbas ng korte ang desisyon noong Oktubre 5, 2020 matapos ang teknikal na pagsusuri sa mga opisyal na balota at iba pang mga dokumento sa halalan mula sa 23 presinto sa munisipalidad.

Bnigyan din ng timbang ng korte ang resulta ng pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa naganap na malawakang dayaan kabilang ang pagbili ng boto, pagboto ng mga patay, pagkakaiba sa talaan ng mga botante at iba pa.

Hindi rin naghain ng kanyang mosyon para sa teknikal na pagsusuri si Abdurahman bagama’t nagtalaga siya ng kanyang mga sariling tauhan upang magbantay sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

Sa desisyon ng hukuman, inalisan anila ni Abdurahman ng karapatan ang kanyang sarili sa hindi paghahain ng ebidensiya bago ilabas ang hatol.

Ipinawalang bisa rin ni Judge Tillah sa kanyang desisyon ang 5,093 na boto mula sa 5,892 na nakuha ni Abdurahman mula sa 23 presinto kaya’t 799 lamang ang kanyang nakuha na mas maliit kumpara sa nakuhang boto ni Tambut na 1,559 o kalamangang umabot sa 760.

Dahil dito, idineklara bilang legal at halal na alkalde ng naturang munisipalidad si Benzar Tambut dahil sa kalamangan ng dami ng boto na kanyang nakamit.(Mia Billones)

The post Simunul may bagong mayor- Tawi-Tawi RTC first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *