Simbahang Katoliko P350M bayad sa mga minolestiya ng pari

Umabot sa $7.3 milyon o mahigit P350 milyon ang ibinayad ng Roman Catholic Church para sa mahigit 70 na bata na inabuso ng mga pari sa iba’t ibang parokya sa Colorado, United States.

The post Simbahang Katoliko P350M bayad sa mga minolestiya ng pari first appeared on Abante.

simbahang katoliko p350m bayad sa mga minolestiya ng pari - Simbahang Katoliko P350M bayad sa mga minolestiya ng pari
abante molest - Simbahang Katoliko P350M bayad sa mga minolestiya ng pari

Umabot sa $7.3 milyon o mahigit P350 milyon ang ibinayad ng Roman Catholic Church para sa mahigit 70 na bata na inabuso ng mga pari sa iba’t ibang parokya sa Colorado, United States.

Sa ulat, inanunsyo ni Colorado Attorney General Phil Weiser ang pag-areglo na nagselyo sa ginawang halos dalawang taon na imbestigasyon. Natalupan ng mga imbestigador ang 46 na bagong kaso at natukoy ang siyam pang paring suspek.

Kabilang sa inakusahan ng pangmomolestiya sa tatlong menor de edad na lalaki ang namayapang si Monsignor Charles Woodrich, na kilala sa pagtulong sa mga mahihirap sa Denver.

Sa pagsusuri ng state attorney general sa lahat ng tatlong Colorado diocese na umaabot hanggang 1950s, naidokumento ang kabuuang 212 na kaso ng seksuwal na pang-aabuso ng mga pari sa mga kabataan.

The post Simbahang Katoliko P350M bayad sa mga minolestiya ng pari first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *