Simbahan aprub sa pagsara ng sementeryo

Susunod ang Simbahang Katoliko sa ilalabas na kautusan ng National Task Force against COVID-19 hingil sa paggunita ng Undas ngayon taon.

The post Simbahan aprub sa pagsara ng sementeryo first appeared on Abante.

simbahan aprub sa pagsara ng sementeryo - Simbahan aprub sa pagsara ng sementeryo
abante sementeryo - Simbahan aprub sa pagsara ng sementeryo

Susunod ang Simbahang Katoliko sa ilalabas na kautusan ng National Task Force against COVID-19 hingil sa paggunita ng Undas ngayon taon.

Tiniyak ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad na kanilang tanggap ang pagkandado sa mga sementeryo mula October 31 hanggang November 3, kung saan matatamaan ang Araw ng mga Patay.

Gayunpaman, lahad ng Arsobispo na tuloy pa rin ang misa para gunitian ang mga namayapang mahal sa buhay sa Undas.

Tatalima din ang Diocese ng San Pablo, Laguna sa kautusan ng gobyerno bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

Unang inutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsara sa mga sementeryo para maiwasan ang mass gathering,na mahigpit na pinagbabawal sa apnahon ng COVID-19 pandemic.

Hinimok naman ni Archbishop Jumoad ang mamamayan na dumalaw sa puntod ng mga mahal sa buhay sa ibang mga araw.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Simbahan aprub sa pagsara ng sementeryo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *