‘Silent No More PH’ binira ni Bato

BINANATAN ni dating Philippine National Police (PNP) at administration senatorial bet Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang ‘Silent No More PH’ dahil sa pagpuna sa kanyang digital watch at signature jeans.

The post ‘Silent No More PH’ binira ni Bato appeared first on Abante News Online.

silent no more ph binira ni bato - ‘Silent No More PH’ binira ni Bato
ABANTE bato - ‘Silent No More PH’ binira ni Bato

By JC Cahinhinan

BINANATAN ni dating Philippine National Police (PNP) at administration senatorial bet Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang ‘Silent No More PH’ dahil sa pagpuna sa kanyang digital watch at signature jeans.

Sa kanyang talumpati sa campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago sa Mambajao, Camiguin, sinabi ni Dela Rosa na aktibo na naman ngayon ang mga internet troll na pinopondohan ng kanyang mga karibal sa politika upang maibagsak siya sa papalapit na May 13 midterm elections.

Isa na umano dito ang Silent No More PH na pinuna ang naging suot niya sa senatorial debate ng CNN Philippines noong nakaraang Sabado sa University of Sto. Tomas.

Sa kanilang post, binanggit ng Silent No More PH na nagsisinu­ngaling aniya si Dela Rosa na simple lang ang pamumuhay gayung naka-Armani jeans ito na nagkakahalaga ng P8,000 hanggang P9,500 at Casio G-Shock digital watch na nagkakahalaga ng P7,000.

Dinaan na lamang sa biro ni Dela Rosa ang pagbanat sa paratang ng Silent No More PH nang sabihin nitong kumubra siya ng P14 milyon sa pagreretiro sa serbisyo kaya’t naka­bili ng mamahaling kasuotan.

The post ‘Silent No More PH’ binira ni Bato appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *