Sikyo sumalpok sa taxi, todas

Ginang na nakipagsabunutan, todas sa atake sa puso

NASAWI ang isang security guard matapos nitong maibangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang taxi sa Lower Magsaysay, Baguio City noong Linggo.

The post Sikyo sumalpok sa taxi, todas appeared first on Abante News Online.

sikyo sumalpok sa taxi todas - Sikyo sumalpok sa taxi, todas
dead 4 - Sikyo sumalpok sa taxi, todas

NASAWI ang isang security guard matapos nitong maibangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang taxi sa Lower Magsaysay, Baguio City noong Linggo.

Kinilala ng Baguio City Police Office (BCPO) ang biktima na si Eugene Canayon Pawid, 25-anyos, ng Leseb, Bauko, Mountain Province.

Tinukoy naman ang driver ng taxi na si Armando Sarrosa Yamos, 51, may asawa, residente ng Km.4, La Trinidad, Benguet.

Batay sa report ng BCPO, nangga­ling ang motorsiklo sa direksyon ng Magsaysay Flyover at patungo sana ito sa La Trinidad, Benguet.

Habang nasa kurbadang bahagi ng kalsada ang biktima, napunta ito sa kabilang linya at dito bumangga sa taxi na patungo sana sa Brgy. Camdas, Baguio City ayon sa BCPO traffic division.

Dahil dito, nasuwag ng biktima ang taxi bago tumilapon siya ilang metro mula sa pinangyarihan ng insidente.

Nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan at pinsala sa bungo ang biktima sanhi ng kanyang pagkamatay bago dumating sa pagamutan.

Dinala naman ang taxi driver sa BCPO at patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation hinggil dito. (Allan Bergonia)

The post Sikyo sumalpok sa taxi, todas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *