Sikyo na trigger happy kalaboso

HIMAS rehas ang 27-anyos na security guard na nag-ala ‘Rambo’ matapos walang habas na nagpaputok ng baril sa Malate, Maynila kahapon nang madaling-araw.

The post Sikyo na trigger happy kalaboso appeared first on Abante News Online.

sikyo na trigger happy kalaboso - Sikyo na trigger happy kalaboso
prison 2 - Sikyo na trigger happy kalaboso

HIMAS rehas ang 27-anyos na security guard na nag-ala ‘Rambo’ matapos walang habas na nagpaputok ng baril sa Malate, Maynila kahapon nang madaling-araw.

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station si Zaldy Acopra, ng Fidel Reyes St., Malate ng nasabing lungsod makaraang makatanggap ng reklamo hinggil sa pagpapaputok umano ng baril ng huli.

Nabatid na dakong alas-12:40 nang hatinggabi nang itinawag ni Chairman Arnel Palo ng Brgy. 714, Zone 78 District V, ang pagpapaputok ng baril ng suspek.

Nalaman na pinapuputok ng suspek sa lugar ang kanyang improvised na baril, habang palakad-lakad sa kanyang lugar.

Nakuha sa suspek ang improvised hand gun na walang serial number at isang magazine na may tatlong 9mm luger live ammunitions.

Nakatakdang sampahan ng kasong Alarm and Scandal at paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms in relation to Omnibus Election Code ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Sikyo na trigger happy kalaboso appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *