Sikyo na nang-rape ng turista, kalaboso

arrested-man-in-jail

SWAK sa selda ang 20-anyos na security guard makaraan umanong gahasain ang isang turistang Korean national noong Lunes sa Camp 7, Baguio City.

The post Sikyo na nang-rape ng turista, kalaboso appeared first on Abante News Online.

sikyo na nang rape ng turista kalaboso - Sikyo na nang-rape ng turista, kalaboso
arrested man in jail - Sikyo na nang-rape ng turista, kalaboso

SWAK sa selda ang 20-anyos na security guard makaraan umanong gahasain ang isang turistang Korean national noong Lunes sa Camp 7, Baguio City.

Kasong rape ang kinakaharap ng suspek na tinago sa pa-ngalang ‘Ador’ ng Upper Brookside, sa nasabing siyudad, habang ang biktima ay isang 21 na Koreana na kasalukuyan nagbabakasyon lamang sa Baguio City.

Batay sa report ng Baguio City Police Office (BCPO), bago ang insidente, uminom umano ng alak ang biktima sa isang bar at pagkatapos ay umuwi na ito sa kanyang tinutuluyang bahay at dahil na rin umano sa kalasingan, sa sala ito nakatulog.

Ayon pa sa BCPO, nakalimutan umano ng Koreana na isara ang pintuan kaya’t sinamantala ni Ador na pumasok sa tinitirhan ng biktima at isinakatuparan ang panggagahasa sa dayuhan.

Sa salaysay ng biktima, binantaan siya ng suspek na may mangyayaring hindi maganda sa kanya kung papalag siya kaya nagtagumpay ito sa krimen.

Pero hindi natinag ang biktima at naghain ng reklamo sa mga awtoridad na nagresulta sa agarang pagkaaresto sa suspek. (Allan Bergonia)

The post Sikyo na nang-rape ng turista, kalaboso appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *