Sikyo hinoldap ang binabantayang bangko

Kalaboso ang 34-anyos na security guard makaraang magbantay-salakay at tangkaing holdapin ang bangko kung saan siya naka-duty sa Sta. Rosa City, Laguna noong Lunes nang umaga.

sikyo hinoldap ang binabantayang bangko - Sikyo hinoldap ang binabantayang bangko
arresrt - Sikyo hinoldap ang binabantayang bangko

Kalaboso ang 34-anyos na security guard makaraang magbantay-salakay at tangkaing holdapin ang bangko kung saan siya naka-duty sa Sta. Rosa City, Laguna noong Lunes nang umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya, kakabukas pa lamang ng Prestige Bank na nasa Barangay Tagapo, Santa Rosa City dakong alas-nuwebe nang umaga nang magdeklara ng holdap ang guwardya na si Romeo Dimaano Jr.

Agad nitong inutusan ang teller na ilagay ang mga pera sa inilabas nitong bag.

Unang inakala ng mga teller na nagbibiro lamang ang sik­yo subalit nang itutok nito ang kanyang service firearm ay natuklasan nilang seryoso ito.

Nalansi naman ito ng isa sa mga teller at sinabihan na lumapit sa vault dahilan para makalabas ang isa pang teller at makahingi ng tulong.

Nang dumating ang mga pulis, nakadapa na sa sahig ang suspek at nadisarmahan na rin ito ng mga empleyado ng bangko.

Ayon kay Lt. Col. Eugene Orate, hepe ng Sta. Rosa Police, sinabi umano ni Dimaano sa interogasyon na nagawa niya ang krimen dahil sa kagustuhan nitong magkapera upang maipagpagawa ng bahay ang kanyang pamilya. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *