Siklista todas sa hit and run

Patay ang isang promising cyclist matapos na ito ay mabiktima ng hit and run habang nag-eensayo sa Tuy, Batangas Miyerkoles nang umaga.

siklista todas sa hit and run - Siklista todas sa hit and run
patay 2 - Siklista todas sa hit and run

Patay ang isang promising cyclist matapos na ito ay mabiktima ng hit and run habang nag-eensayo sa Tuy, Batangas Miyerkoles nang umaga.

Kinilala ang biktima na si John Christian A­gapay, 22-anyos, taga-bayan ng Nasugbu, at miyembro ng International Cycling Union (UCI) at Philcycling, at anak ng municipal agriculture officer ng nasabing bayan.

Batay sa report, nakita na lamang ang biktima na nakabulagta sa tabi ng kanyang yupi-yuping road bike malapit sa Obispo bridge sa Palico-Balayan highway sakop ng Barangay Tuyon-Tuyon.

May mga sugat ito sa paa, katawan at ulo at isinugod sa ospital kunsaan ito ay binawian ng buhay dahil sa grabeng pinsala.

Ayon sa mga nakasaksi, isang hindi naplakahang tricycle ang umano’y nakabangga sa biktima subalit nagmamadali rin itong tumakas sa lugar.

Napag-alaman na ang biktima ay nag-eensayo para sa isang sasalihang national road bike race sa darating na buwan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pangyayari at hinahanap kung sino ang nakasagasa sa biktima. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *