Sikat na love team swak sa narco-list

KABILANG ang isang sikat na love team sa 31 narco-celebrity na mino-monitor ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

The post Sikat na love team swak sa narco-list appeared first on Abante News Online.

sikat na love team swak sa narco list - Sikat na love team swak sa narco-list
narco - Sikat na love team swak sa narco-list

KABILANG ang isang sikat na love team sa 31 narco-celebrity na mino-monitor ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang love team na kanilang mino-monitor ay nasa 20-anyos pataas ang edad at madalas nakikita sa mga kilalang bar at nightspots.

“They’re at their 20s. Palagay ko lang nasa ganoon,” ayon kay Aquino.

Sinabi ni Aquino na ang narco-list ng mga celebrity ay batay sa binigay ng kanilang impormante at nakita nga nila na kasama aniya dito ang sikat na love team.

Una nang inihayag ni Aquino na 20 sa narco-list ay mga aktor at 11 ang mga aktres.

Hinggil naman sa pagsasapubliko sa pangalan ng mga celebrity na sinasabing sangkot sa iligal na droga, sinabi ni Aquino na kung siya ang tatanungin ay hindi siya pabor na ihayag ito sa publiko.

Pero kung mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte na aniya ang mag-uutos sa kanya ay papangalanan niya ang mga celebrity sa narco-list.

“Kung mismong ang Pangulong Duterte na ang mag-uutos sa akin para ilabas ang mga pangalan ng mga celebrities na nasa watchlist, susundin ko pero dapat kumpirmado na kami at sumailalim na sa balidasyon,” paliwanag ni Aquino.
Pabor naman si Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde na ilabas ang pangalan ng mga artistang sangkot sa iligal na droga.

Aniya, matapos ang masusing validation, maaari na umanong ilabas ang pangalan ng mga artistang sangkot sa iligal na droga upang maging patas sa pagpapalabas ng listahan ng mga narco-politiko.

Sabi ni Albayalde, noong siya pa ang namumuno sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ay umaabot sa 50 ang mga artistang nasa drug watchlist.

“Well ‘yung nangyari na nga du’n sa narco-list eh bakit hindi mangyari doon sa iba? Just to be fair to everybody,” pahayag ni Albayalde sa mga reporter sa isinagawang command conference sa Camp Dangwa sa La Trinidad, Benguet kahapon.

The post Sikat na love team swak sa narco-list appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *