Siargao bubuksan na sa mga turista

Simula November 23 ay maaari nang pumasok ang mga turista sa Siargao, ang Surfing Capital ng Pilipinas.

The post Siargao bubuksan na sa mga turista first appeared on Abante.

siargao bubuksan na sa mga turista - Siargao bubuksan na sa mga turista
Siargao - Siargao bubuksan na sa mga turista

Simula November 23 ay maaari nang pumasok ang mga turista sa Siargao, ang Surfing Capital ng Pilipinas.

Ito’y kinumpirma ng isang executive order na inaprubahan ni General Luna Mayor Cecilia Ruson.

Para makapasok sa Siargao, ilang minimum health standard ang kailangang sundin ng mga local tourist para masigurong ligtas ang isla sa COVID-19.

Saad ng Department of Tourism, kailangan sumalang sa COVID-19 testing ang mga turista, at makakuha ng e-Health Pass pagdating sa Surigao o Sayak Airport.

“If RT-PCR is taken more than 48 hours of departure from point of origin, a negative antigen swab will be required on the day of arrival,” lahad ng DOT.

Kasama din sa requirment ng DOT ang limang araw na booking sa isang hotel o establisimiyento na may Certificate of Authority to Operate o Provisional Certificate of Authority to Operate.

Sa December 1 naman manunumbalik ang mga flight patungong Siargao.

“This is encouraging news for everyone who loves the sea, especially the surfers. As Siargao reopens to travelers, subject to minimum health and safety standards, the people of the island will regain their livelihood and share their paradise to our kababayans once more with the same level of hospitality they have always been known for,” ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat. (Ray Mark Patriarca)

The post Siargao bubuksan na sa mga turista first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *