Si Lord na bahala kay ‘Bikoy’ — Honeylet

Ipinasa-Diyos na lamang ng partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Madam Honeylet Avanceña ang ginawang paninira ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ laban sa Presidente at sa anak nitong si Kitty.

The post Si Lord na bahala kay ‘Bikoy’ — Honeylet appeared first on Abante News Online.

si lord na bahala kay bikoy honeylet - Si Lord na bahala kay ‘Bikoy’ — Honeylet
holeylet avecena - Si Lord na bahala kay ‘Bikoy’ — Honeylet

Ipinasa-Diyos na lamang ng partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Madam Honeylet Avanceña ang ginawang paninira ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ laban sa Presidente at sa anak nitong si Kitty.

Kasunod ito ng paghingi ng tawad ni Advincula alyas ‘Bikoy’ sa Pangulo at sa pamilya nito matapos pangalanan ang lahat ng mga nasa likod ng Narco videos.

Sa isang maiksing text message, sinabi ni Avanceña na bahala na ang Diyos sa mga ginawa ni ‘Bikoy’ sa kanyang pamilya.

“Ah si Bikoy pala. Si Lord na bahala sa kanya,” ani Avanceña.

Matatandaang sa inilabas na narco videos ni ‘Bikoy ‘ay idi­nawit niya ang bunsong anak ng Presidente na si Veronica o Kitty.

Hindi itinago ni Pangulong Duterte ang galit sa nasa likod ng narco videos dahil pati ang bunsong anak ay kinaladkad sa isyu ng iligal na droga.

Sa paglutang muli ni Advincula ngayong Huwebes ay umapela ito na sana ay patawarin siya ni Pangulong Duterte at pamilya nito sa ginawa niyang paninira sa mga ito.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Se­cretary Martin Andanar na umiinit at nagiging intersante ang mga bagong development kay ‘Bikoy’ matapos nitong ikanta ang ilang personalidad ng Liberal Party na nasa likod ng mga paninira umano kay Pa­ngulong Duterte.

Nagbiro pa si Andanar na pupunta muna siya sa grocery at bibili ng popcorn para may makutkot habang nanonood sa drama ni ‘Bikoy’ at oposisyon.

“The turn of events have made this drama more inte­resting. Now its Bikoy’s words vs. Sen. Trillanes and the Li­beral Party’s. Im going to buy popcorn,” ani Anda­nar. (Ailee­n Taliping)

The post Si Lord na bahala kay ‘Bikoy’ — Honeylet appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *