Shortlist para sa babakantehing posisyon ni Carpio, isusumite na kay Duterte

Shortlist para sa babakantehing posisyon ni Carpio, isusumite na kay Duterte

Isusumite na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist ng mga kandidato ng Judicial and Bar Council (JBC) na pagpipilian para punan ang babakantehing posisyon ni Senior Associate Justice Antonio Carpio.

shortlist para sa babakantehing posisyon ni carpio isusumite na kay duterte - Shortlist para sa babakantehing posisyon ni Carpio, isusumite na kay Duterte
abogado 1 - Shortlist para sa babakantehing posisyon ni Carpio, isusumite na kay Duterte

Isusumite na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist ng mga kandidato ng Judicial and Bar Council (JBC) na pagpipilian para punan ang babakantehing posisyon ni Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Kabilang sa mga pangalang nasa shortlist sina:

1. Barrios, Manuel Mejorada
2. Delos Santos, Edgardo Lao
3. Dimaampao, Japar Baby
4. Garcia, Ramon Del Rosario
5. Lopez, Jhosep Ylarde
6. Marquez, Jose Midas Pascual
7. Perez, Pablito Alhambra
8. Rosario, Ricardo De Rivera
9. Singh, Maria Filomena Dumandan

Ang lahat ng mga nakalistang aplikante ay dumaan sa mabusising pagsasala ng JBC.

Samantala, ipinagpaliban naman ang pagpapadala ng shortlist para naman sa iiwang puwesto ni Chief Justice Lucas Bersamin na magreretiro sa Oktubre 18.

Ayon sa JBC, maaari nilang ilabas ang shortlist para rito sa Oktubre 15. (Anne Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *