Shopee pinagbabayad sa palpak na promo

Pinagbabayad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Shopee sa mga inagrabyado nitong mga kostumer na mga fan ng Blackpink na nabigong makita nang personal ang sikat na Korean Pop group sa kabila ng pagbilii nila ng libong halaga ng mga produkto mula sa nasabing online retail store

The post Shopee pinagbabayad sa palpak na promo appeared first on Abante News Online.

shopee pinagbabayad sa palpak na promo - Shopee pinagbabayad sa palpak na promo
shoppee - Shopee pinagbabayad sa palpak na promo

Pinagbabayad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Shopee sa mga inagrabyado nitong mga kostumer na mga fan ng Blackpink na nabigong makita nang personal ang sikat na Korean Pop group sa kabila ng pagbilii nila ng libong halaga ng mga produkto mula sa nasabing online retail store

Ayon kay DTI Sec Ramon Lopez, kailangang mabayaran ng Shopee ang mga nalinlang na mga kostumer at dapat umanong maglagay o magtakda ng programa ang Shopee para harapin ang mga reklamo. Aniya tututukan niya ang isyu para matiyak na mareresolba ang gulo sa lalong madaling panahon.

Ipinatawag ng DTI ang mga kinatawan ng Shopee at dito tiniyak umano ng website na kakausapin nila ang mga apektadong consumer para sa posibleng refund o rectification. Isang fan umano ang ina­lok ng ticket para mapanood ang concert ng Blackpink sa Thailand.

Ipinaliwanag ng Shopee na nabago ang promo mechanics partikular sa pagsusumite ng proof of purchase at hindi naabisuhan ang 116 winners kaya’t hindi nakapasok sa meet and greet event.

Sakaling mapatunayan sa kanilang pagkukulang, pagmumultahin umano ng P300,000 ang Shopee at maaaring pagbawalan na maglunsad ng ganitong mga promo sa hinaharap.

10 reklamo ang natanggap ng DTI laban sa Shopee PH
Magugunita na iniimbestihan ng DTI ang reklamo ng mga ‘Blink’ na nabigong makita ang personal ang sikat na Korean Pop group na Blackpink kahit na bumili sila ng libong produkto mula sa online shopping store na Shopee.
Magugunitna naging trending sa social media ang ang nangyaring ‘scam’ ng Shopee sa mga Blackpink fan.

“Basta may binayaran sila according to a certain promo at hindi na-deliver ang promo na ‘yun, mag-file sila ng consumer complaint,” sabi ng DTI

“Maging mapanuri, check din natin kung legitimate o established institution ang nagbibigay ng promo. Huwag basta-basta magpaloko,” dagdag nito.

Nauna na rin nagbabanta ang mga ‘Blink’—mga fan ng K-pop group na BlackPink—na kasuhan ang Shopee Ph dahil sa diumanong pangloloko nito sa kanila.
May mga Blink na gumastos ng P279,415 para masigurong makakuha sila ng tickets at makasasama sa meet-and-greet subalit nabigo. (Eileen Mencias)

The post Shopee pinagbabayad sa palpak na promo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *