Shawn Robinson pumalpak sa ‘American Idol’

Naudlot ang pagkakataon na maging American Idol ng contestant na si Shawn Robinson dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa performance niya sa All-Star Duets noong nakaraang Linggo, April 7.

The post Shawn Robinson pumalpak sa ‘American Idol’ appeared first on Abante News Online.

shawn robinson pumalpak sa american idol - Shawn Robinson pumalpak sa ‘American Idol’
Abante 2019 Shawn Robinson - Shawn Robinson pumalpak sa ‘American Idol’

Naudlot ang pagkakataon na maging American Idol ng contestant na si Shawn Robinson dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa performance niya sa All-Star Duets noong nakaraang Linggo, April 7. Nag-viral ang kanyang performance kung saan nakalimutan niya ang lyrics sa awiting “Proud Mary.”

Nakasama sa Top 20 ang 21-year-old hardware store assistant na taga-Atlanta, Georgia at sa ginawa nilang performance that night, pinares sila sa celebrity singers para maka-duet nila.

Na-pair kay Shawn ay ang singer na si Elle King na nakilala sa kanyang hit Grammy nominated alternative rock song na “Ex’s & Oh’s.” Ang parents ni Elle ay ang Fil-American Hollywood comedian na si Rob Schnei­der at ang former model na si London King.

Ang nabigay na song na idu-duet nila Shawn at Elle ay ang “Proud Mary” ng Creedance Clearwater Revival.

Ayon kay Shawn, noong mag-rehearse sila ni Elle ng aawitin nila ay walang naging problema. Pero bago sila umakyat sa stage, gumawa ng last mi­nute decision si Elle na ibahin ang tempo ng kanilang song. Na­ging maganda naman ang duet nila ni Elle sa umpisa pero may part na nakalimutan niya ang lyrics kaya nagkaroon ng ilang seconds of awkward silence.

Nag-viral sa social media ang palpak na performance ni Shawn pero ang sinisisi ng netizens ay si Elle King dahil ito raw ang unang nagkamali sa lyrics.

“That stuff happens onstage. That was a pro move. I’m so proud of you, man,” proud pa ring sey ni Elle.

Inamin ni Shawn ang kanyang pagkakamali at tatanggapin kung ano ang desisyon ng judges. “I went up there and did my best. I had a slip-up… it’s up to the judges now.”

Ang ending ay nagwakas ang Idol journey ni Shawn kasama ang dalawa pang contestants na sina Bumbly at Kate Burnette. (Ruel Mendoza)

The post Shawn Robinson pumalpak sa ‘American Idol’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *