Shabu ginawang pusta, 3 sugarol dinakma sa Marikina

ARESTADO ang tatlo katao matapos malambat sa iligal na pagsusugal sa kalsada at mabuking sa pustahan ng shabu, Huwebes ng hapon sa Barangay Malanday, Marikina City.

shabu ginawang pusta 3 sugarol dinakma sa marikina - Shabu ginawang pusta, 3 sugarol dinakma sa Marikina
ABANTE arrested - Shabu ginawang pusta, 3 sugarol dinakma sa Marikina

ARESTADO ang tatlo katao matapos malambat sa iligal na pagsusugal sa kalsada at mabuking sa pustahan ng shabu, Huwebes ng hapon sa Barangay Malanday, Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Edwin Galupo, 37, vendor; Angelito Suarez, 28, at Abeking Baflor, 36, helper, pawang mga residente ng Marikina City.

Inaresto ang mga suspek alas-4:20 Huwebes ng hapon sa Santol St., Libis Bulelak, Brgy. Malanday, matapos makatanggap ng reklamo ang mga pulisya kaugnay sa pagsusugal sa kalsada ng cara y cruz ng mga suspek na kung saan ang ginagawang pustahan ay shabu.

Agad na rumesponde ang pulisya at nalambat ang tatlong suspek sa aktong pagsusugal wala namang nahuling shabu at nakumpiska ang tatlong pangara at nang kapkapan ay nahulihan ng P2,715 betting money.

Kasalukuyang nakakulong sa Marikina detention cell ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *