SGMA humugot; unang BPO sa Visayas binisita

Dinalaw ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang kauna-una­hang tanggapan ng Business Process Outsour­cing (BPO) sa Visayas region na naitatag noong 2006 sa ilalim ng panu­nungkulan nito bilang Presidente ng bansa.

The post SGMA humugot; unang BPO sa Visayas binisita appeared first on Abante News Online.

sgma humugot unang bpo sa visayas binisita - SGMA humugot; unang BPO sa Visayas binisita
gma 1 - SGMA humugot; unang BPO sa Visayas binisita

Dinalaw ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang kauna-una­hang tanggapan ng Business Process Outsour­cing (BPO) sa Visayas region na naitatag noong 2006 sa ilalim ng panu­nungkulan nito bilang Presidente ng bansa.

Sinasamantala na ni Arroyo ang pagkamusta sa mga paboritong proyekto at programa na itinaguyod nito bago tuluyang bu­maba sa tungkulin bilang Spea­ker at pagiging lingkod bayan pagsapit ng Hunyo 30, 2019.

Matatandaan na nauna nang binisita ni SGMA ang mga Roll-on-Roll-off (RORO) Port at mga proyektong pabahay na alay sa mga kababayang kapus-palad.

Nitong Linggo, Marso 24 naman ay nagtu­ngo si SGMA sa Teleperformance office sa Bacolod City.

Ito ang unang BPO company na naitayo sa Visayas at pinasinayaan 13 taon na ang nakakaraan.

“Like what we did the last time, I want to go to my favorite pro­jects. Of course deve­loping the BPO industry was one of my proudest accomplishments and I remember this was a first in the Visayas when we opened it here. That’s why we visited again in 2010 when I was reviewing my pro­jects,” paghahayag ni SGMA.

The post SGMA humugot; unang BPO sa Visayas binisita appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *