Setyembre 9-11, non-working day sa Negros, S. Cotabato, Quirino

Idineklara ng Malacañang na special non-working day ang mga bayan ng Bais, sa Negros Oriental, Polomolok at Tupi sa South Cotabato at Quirino province.

setyembre 9 11 non working day sa negros s cotabato quirino - Setyembre 9-11, non-working day sa Negros, S. Cotabato, Quirino
non 1 - Setyembre 9-11, non-working day sa Negros, S. Cotabato, Quirino

Idineklara ng Malacañang na special non-working day ang mga bayan ng Bais, sa Negros Oriental, Polomolok at Tupi sa South Cotabato at Quirino province.

Batay sa inilabas na Proclamation no. 805 ni Exectuive Secretary Salvador Medialdea, idineklarang special (non-woking day) ang September 9, 2019 , araw ng Lunes sa Bais City, Negros Oriental para bigyang-daan ang ika -51st anibersaryo ng lungsod.

Special non-working day din sa bayan ng Polomolok sa South Cotabato sa September 10, 2019 alinsunod sa nakasaad sa Proclamation no. 806 para sa ika-62 founding anniversary at ika-16th Polomolok festival.

Wala ring pasok sa buong lalawigan ng Quirino sa September 10, 2019 para sa kanilang founding anniversary, batay sa Proclamation no. 807 na inilabas ng Malacañang .

Idineklarang special non-working day din sa Sept.11 sa bayan ng Tupi, South Cotabato para sa selebrasyon ng 10th Agten Tufi festival at ika-66th founding anniversay ng nabanggit na bayan, batay sa proclamation no. 808.

Sinabi ni Secretary Medialdea na marapat lamang na bigyan ng pagkakataon ang mamamayan ng mga nabanggit na lugar para makapagdiwang at makilahok sa mga inihandang aktibidad sa mga nabanggit na natatanging araw. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *