Serial rapist-killer sa Cyprus dinikdik ng biniktimang Pinay

KUMANTA ang isang Cypriot army officer sa umano’y pagpatay sa pitong dayuhang kababaihan sa loob ng tatlong taon nang humarap sa korte kahapon.

The post Serial rapist-killer sa Cyprus dinikdik ng biniktimang Pinay appeared first on Abante News Online.

serial rapist killer sa cyprus dinikdik ng biniktimang pinay - Serial rapist-killer sa Cyprus dinikdik ng biniktimang Pinay
cyprus - Serial rapist-killer sa Cyprus dinikdik ng biniktimang Pinay

KUMANTA ang isang Cypriot army officer sa umano’y pagpatay sa pitong dayuhang kababaihan sa loob ng tatlong taon nang humarap sa korte kahapon.

Kasabay ng pag-amin ng serial rapist-killer ay inginuso ng 19-anyos Pinay ang suspek na siya umanong nanghalay sa kanya.

Samantala, hindi pa nakakasuhan ang suspek na si Captain Nicos Metaxas, 35 sa serye ng pagpatay na tinaguriang ‘first serial killings’ na ikinagalit ng Pangulo ng Cyprus at inakusahan ng pagpapabaya ang kapulisan.

Nitong Linggo, Mayo 5 ay nakarekober muli ang pulisya ng isang suitcase na naglalaman ng naagnas ng bangkay ng isang bata sa isang ilog sa Nicosia.

Nabatid na inamin din ni Metaxas ang pagpatay sa limang babae kabilang ang anak ng dalawang­ biniktimang babae at isang Romanian.

Kabilang sa mga pinaniniwalaang napatay nitong Pinoy ay ang 38-anyos na si Mary Rose Tiburcio at Arian Palanas Lozano, 28.

The post Serial rapist-killer sa Cyprus dinikdik ng biniktimang Pinay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *