Serbisyong unli buhos sa Malabon

ARAW-ARAW ay mayroong iba’t ibang kaso ng lumolobong sakit at pa­ngangailangang medikal sa lungsod ng Malabon. Hindi man ito mabigyan ng pansin ng ospital at health center doon ay hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga residente dahil sa tulong medikal at pinansyal na ipinagkakaloob ng tunay na Kakampi at Sandigan sa Malabon.

The post Serbisyong unli buhos sa Malabon appeared first on Abante News Online.

serbisyong unli buhos sa malabon - Serbisyong unli buhos sa Malabon
Jeannie Sandoval - Serbisyong unli buhos sa Malabon

ARAW-ARAW ay mayroong iba’t ibang kaso ng lumolobong sakit at pa­ngangailangang medikal sa lungsod ng Malabon. Hindi man ito mabigyan ng pansin ng ospital at health center doon ay hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga residente dahil sa tulong medikal at pinansyal na ipinagkakaloob ng tunay na Kakampi at Sandigan sa Malabon.

Serbisyong unli, ika nga nina Malabon Vice Mayor Jeannie Sandoval at Congressman Ricky Sandoval ang kanilang serbis­yong pangkalusugan na araw-araw ibinibigay sa mga may sakit at nangangailangan ng tulong.

Nariyan at buhay na buhay pa rin ang pamimigay ng mga ‘guarantee letter’ sa kanilang tanggapan kung saan tinutulu­ngan ang mga residente na may pangangailangan sa pagpapagamot, laboratory, ultrasound, CT Scan, 2d Echo, maintenance sa gamot, at maging sa hospital bill sa mga ospital.

Layon nito na mapagaan ang dinadala ng mga residente sa Malabon sa pamamagitan ng libreng pagpapagamot sa mga pampublikong ospital kagaya ng San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital, Philippine General Hospital (PGH), Jose Reyes, Tondo General Hospital, Valenzuela General Hospital, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Fabella, Philippine Heart Center, Lung Center, National Center for Mental Health (NCMH), East Avenue Medical Center, San Lazaro Hospital, Orthopedic, at National Children’s Hospital at Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Masasabi talagang ito ay dahil sa kahilingan ni VM Sandoval kina Pangulong Duterte at Senador Bong Go para sa mga taga-Malabon. Tila serbisyong unli talaga ang dala nila dahil sa umaapaw na programa at serbisyong pangkalusugan na handog nila sa lungsod.

The post Serbisyong unli buhos sa Malabon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *