Senglot na rider bumangga sa 10-wheeler, todas

Nasawi noon din ang isang lasing na nakamotorsiklo makaraan itong sumalpok sa isang 10 wheeler truck sa Brgy. Homestead II, Talavera, Nueva Ecija noong Biyernes nang gabi.

The post Senglot na rider bumangga sa 10-wheeler, todas appeared first on Abante News Online.

senglot na rider bumangga sa 10 wheeler todas - Senglot na rider bumangga sa 10-wheeler, todas
todas dead - Senglot na rider bumangga sa 10-wheeler, todas

By Jojo de Guzman

Nasawi noon din ang isang lasing na nakamotorsiklo makaraan itong sumalpok sa isang 10 wheeler truck sa Brgy. Homestead II, Talavera, Nueva Ecija noong Biyernes nang gabi.

Sa ulat ni Police Lt. Colonel Alexie Desamito nakilala ang nasawi na si James Benedick Mateo Bagsic, 31, residente ng Brgy. Plaridel, Llanera, Nueva Ecija.

Nabatid na dakong alas-10:00 nang gabi ay matulin ang pagpapatakbo ni Bagsic at sa kurbada sa highway ng Brgy. Homestead nang sumalpok ito sa trak na may plakang RJN 319 na minamaneho ni Wally Cudal Macaraeg, 32, tubong Nabaccayan, Gattaran, Cagayan, at residente ng Purok 2 Brgy. Ramada, Maria Aurora, Aurora.

Sa lakas ng pagkakabundol ay halos wasak na wasak ang motorsiklo at agad na namatay ang biktima .

Boluntaryong sumuko­ sa pulisya si Macaraeg na kinasuhan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

The post Senglot na rider bumangga sa 10-wheeler, todas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *