Senador umaapaw ang mga kamag-anak na staff

kartada

HINDI pa man nag-uumpisa ang 18th Congress, halos makumpleto na ng isang bagitong senador ang kanyang staff ng kanyang mga kamag-anak.

The post Senador umaapaw ang mga kamag-anak na staff appeared first on Abante News Online.

senador umaapaw ang mga kamag anak na staff - Senador umaapaw ang mga kamag-anak na staff
kartada11 - Senador umaapaw ang mga kamag-anak na staff

Ni: Dindo Matining

HINDI pa man nag-uumpisa ang 18th Congress, halos makumpleto na ng isang bagitong senador ang kanyang staff ng kanyang mga kamag-anak.

Sa impormasyong nasagap ni Mang Teban, ayaw daw kasing ma­haluan ng mambabatas na ito ng ibang lahi ang kanyang opisina kaya’t mas pinili niyang kunin na lang ang kanyang mga pinsan, pamangkin at ilan pang malapit na kamag-anak.

Tanging ang mga miyembro diumano ng kanyang legislative team ang hindi niya kadugo dahil wala naman daw naman siyang kamag-anak na abogado.

Pero mula sa kanyang political team, communication at media team, halos lahat ng mga kinuha niyang staff ay kadugo nito.

Nanguna sa listahan ang kanyang pamangkin na itinalaga niya bilang kanyang media relation officer na kahit walang karanasan ay pinilit na isama sa kanyang team.

Halos 80% ng staff ay kamag-anak nito at inaasahang makukumpleto na ang kanyang staff bago mag-umpisa ang session ng Senado ngayong Hulyo 22.

Pintahan n’yo na. Maraming tinanggal na tao ang mambabatas na ito sa kalagitnaan ng kampanya at pinalitan ng kanyang mga kaanak. May letrang O ito sa kanyang apelyido as in ‘OA’ sa dami ng staff na kamag-anak.

The post Senador umaapaw ang mga kamag-anak na staff appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *