Senador nambulyaw ng staff sa live presscon

PUNONG-PUNO na umano ang mga staff ng isang mambabatas dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila.

senador nambulyaw ng staff sa live presscon - Senador nambulyaw ng staff sa live presscon
kartada11 8 - Senador nambulyaw ng staff sa live presscon

PUNONG-PUNO na umano ang mga staff ng isang mambabatas dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila.

Kasi ba naman, lantaran kung ipahiya sila nito sa publiko na parang bang mga alipin­ ang tingin nito sa kanila.

Ayon kay Mang Teban, nitong lamang nagdaang linggo ay pinahiya nang todo ng mambabatas na ito ang kanyang mga staff habang nagsasagawa ito ng press conference.

Wala umano sa mood at puyat ang mambabatas kaya’y konting kapalpakan lang ng kanyang staff ay sinisita nito nang todo.

Sa sobrang sungit nito, sinermunan pa nito ang kanyang mga staff kahit na naka-live o naka-ere sa TV ang press conference.

Pero kahit na pinapagalitan sila ng masungit nilang boss, dedma lang ang mga ito na para bang wala lang nangyari. Nasanay na daw kasi ang mga staff sa ugali ng kanilang amo kaya’t immune na sila sa bulyaw nito. Sino siya?
Clue: Nitong nagdaang Kongreso, nilaya­san ang senador na ito ng pitong dating staff nito dahil sumuko na sa ugali nito. May ­letrang O ito sa kanyang apelyido.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *