Senado may pasabog pa vs ‘ninja cops’

May bagong ebidensiyang nakalap ang Senado kaya magkakaroon pa ng isang pagdinig sa kontrobersiyal na buy-bust operation sa Pampanga na kinasasangkutan ng 13 na “ninja cop”, ayon kay Senador Richard Gordon.

senado may pasabog pa vs ninja cops - Senado may pasabog pa vs ‘ninja cops’
senado 3 - Senado may pasabog pa vs ‘ninja cops’

May bagong ebidensiyang nakalap ang Senado kaya magkakaroon pa ng isang pagdinig sa kontrobersiyal na buy-bust operation sa Pampanga na kinasasangkutan ng 13 na “ninja cop”, ayon kay Senador Richard Gordon.

“We got additional evidence, magpapatawag kami ng hearing kung andiyan pa ang mga senador. Meron kaming ilalabas na mga bago,” pahayag ni Gordon sa panayam sa telepono ng mga reporter.

“We are in possession of evidence already kasi may mga nagti-tip sa amin on certain evidence that must be presented para malaman natin talaga na may nangyaring ganun. ‘Yung lifestyle check napakaimportante,” dagdag pa nito.

Wala pang binanggit na petsa si Albayalde kung kelan isasagawa ang susunod na pagdinig.

Naniniwala si Gordon na alam diumano ng dating Pampanga police provincial director ang tungkol sa kontrobersiyal na buy-bust operation sa Mexico, Pampanga noong Nobyembre 2013.

Ang tinutukoy niya ay si PNP chief Police General Oscar Albayalde na noo’y hepe ng Pampanga Police.

“He is between negligence and possible knowledge of the offense… He was aware of it and never did anything about it except talk to (dating Region 3 police chief Aaron) Aquino,” ani Gordon.

Ayon kay Gordon, marami pang dapat ipaliwanag si Albayalde sa kabila ng pahayag nitong wala siyang alam sa naturang operasyon ng dati niyang mga tauhan sa pamumuno ni Major Rodney Baloyo.

“I think he has a lot to explain because of the developments dito sa kaso, he left a lot of questions unanswered. Hindi niya maipaliwanag bakit hindi niya pinakialaman ang mga tao, bakit hindi siya nirereportan, nobody was reporting to him,” ani Gordon.

“Isa lang ang nakita kong ginawa niya, pinirmahan niya ang spot report, contrary sila ni Baloyo,” wika pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *