Senado bibigyan ng e-power sa permit si Duterte

Naghain ang mga senador ng isang panukala na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang pag-isyu ng lisensiya at permit sa panahon ng national emergency.

The post Senado bibigyan ng e-power sa permit si Duterte first appeared on Abante.

senado bibigyan ng e power sa permit si duterte - Senado bibigyan ng e-power sa permit si Duterte
abante rody duterte 4 - Senado bibigyan ng e-power sa permit si Duterte

Naghain ang mga senador ng isang panukala na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang pag-isyu ng lisensiya at permit sa panahon ng national emergency.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1844, ang pangulo ay bibigyan ng power para mag-suspend ng requirement para sa national at local permit, gayundin sa lisensiya at sertipikasyon.

Sakop ng panukala ang lahat ng ahensiya sa ilalim ng executive department, kabilang ang departments, bureaus, offices, commissions, boards, councils, government instrumentalities at government-owned and controlled corporations.

Sa ilalim ng panukala, ang Pangulo ay may authority na mag-accelerate at magbawas ng regulatory process at procedure para sa bago at pending na application permit, license, certification o authorization.

Inihain ang panukala nina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senate Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate Minority Leader Franklin Drilon, at Senator Panfilo Lacson.

Bagama’t gumanda ang puwesto ng Pilipinas sa Doing Business Report of the World Bank noong 2020, kulelat pa rin ito sa karatig bansa Southeast Asian countries.

Inihain ang panukala isang linggo matapos makipagpulong ni Duterte sa mga lider ng Kongreso para pag-usapan ang anti-red tape at anti-corruption. (Dindo Matining)

The post Senado bibigyan ng e-power sa permit si Duterte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *