Sementeryo 1 linggo sarado sa Undas, libing puwede

Puwede ang maglibing at iba pang mga regular na aktibidad sa sementeryo kahit sarado ng isang linggo bago at pagkatapos ng Undas ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes.

The post Sementeryo 1 linggo sarado sa Undas, libing puwede first appeared on Abante.

sementeryo 1 linggo sarado sa undas libing puwede - Sementeryo 1 linggo sarado sa Undas, libing puwede
abante simenteryo - Sementeryo 1 linggo sarado sa Undas, libing puwede

Puwede ang maglibing at iba pang mga regular na aktibidad sa sementeryo kahit sarado ng isang linggo bago at pagkatapos ng Undas ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes.

Ito ang nilinaw ni MMDA General Manager Jojo Garcia matapos na magkasundo ang lahat ng Metro Manila Mayors na isarado ang mga sementeryo ng isang linggo ngayong Undas upang maiwasan ang mass gathering sa mga libingan.

Tradisyon sa mga Pinoy ang magtungo sa mga sementeryo upang dalawin ang mga namayapang mahal sa buhay tuwing All Saints Day at All Souls Day (Nobyembre 1,2) kaya parang piyesta sa mga sementeryo sa ganitong mga araw.

“Isasara kasi ‘yan (sementeryo) so hindi makakapasok ang mga tao pero kung yan ay libing, ‘yung regular na ginagawa sa sementeryo, may libing, may ice-cremate, definitely pwede yan,” paliwanag ni Garcia sa mga reporters sa online press conference Lunes ng umaga.

Samantala hindi pa naisasapinal kung kailan ang eksaktong araw ng pagsasara ng mga sementeryo sa Metro Manila at ito ay dedesisyunan ng Inter-Agency Task Force against Infectious Diseases (IATF).

Naunang inirekomenda ng Metro Manila Mayors na isagawa ang pagsasara tatlong araw bago ang Nobyembre 1 at apat na araw pagkatapos ng Nobyembre 1.(Edwin Balasa)

The post Sementeryo 1 linggo sarado sa Undas, libing puwede first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *