Sektor ng agrikultura napabayaan na

MABAGAL umano ang pag-usad ng sector ng agrikultra kaya’t umaasa si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na mababago ito ng agriculture expert na si newly-appointed Agriculture Secretary William Dar.

sektor ng agrikultura napabayaan na - Sektor ng agrikultura napabayaan na
kiko - Sektor ng agrikultura napabayaan na

MABAGAL umano ang pag-usad ng sector ng agrikultra kaya’t umaasa si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na mababago ito ng agriculture expert na si newly-appointed Agriculture Secretary William Dar.

Ayon sa senador, sa pamamagitan ng ‘eight para­digms’ ni Dar ngayong siya ang mamumuno sa Department of Agriculture, umaasa siyang mapapauland nito ang sektor ng agrikultura gayundin ang layunin na mapadoble ang kita ng mga magsasaka.

“Kailangan ng agrikultura sa Pilipinas ang mala­kas na tagapagtaguyod, at base sa background niya, kayang-kaya ni Secretary Dar harapin at aksyunan ang mabagal na pag-unlad ng sektor ng agrikultura at mababang kita ng mga magsasaka at mangingisda,” ani Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, makikipag-ugnayan din siya sa Department of Agriculture at kay Secretary Dar sa pagbuo ng IRR ng Sagip Saka Act of 2019 para masigurong may sapat ng pagkain ang bawat Pilipino.

“Tamang-tama ito dahil binabagyo ang ating mga magsasaka ng bigas bunga ng unli rice imports at ang ating mga magsasaka ng tubo at niyog ng pagbagsak ng presyo sa buong mundo; tinutulak silang umalis sa pagpapakain sa atin” anang senador.

“Ang mga mangingisda naman natin, tinataboy mismo sa mga teritoryong ating-atin talaga,” dagdag nito.

Kung lilipat aniya ng trabaho ang mga ating magsasaka at mangingisda para sa mga trabahong may siguradong kita sa construction dito o sa ibang bansa, pagsuko na umano ito na masigurong may pagkain ang kanilang mga anak. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *