Sec Guevarra, OIC habang nasa Bangkok si Duterte

Itinalaga ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte muli si Justice Secretary Meynardo Guevarra bilang Officer-in-Charge habang wala ito sa bansa.

The post Sec Guevarra, OIC habang nasa Bangkok si Duterte appeared first on Abante News Online.

sec guevarra oic habang nasa bangkok si duterte - Sec Guevarra, OIC habang nasa Bangkok si Duterte
guevarra 1 - Sec Guevarra, OIC habang nasa Bangkok si Duterte

Itinalaga ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte muli si Justice Secretary Meynardo Guevarra bilang Officer-in-Charge habang wala ito sa bansa.

Nakatakdang bumiyahe ngayong hapon ang Pangulo sa Bangkok, Thailand para dumalo sa 34th Association of South East Asian Nation (ASEAN) summit.

Batay sa special order No. 631 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, pa­ngangasiwaan ng DOJ secretary ang pagpapatakbo sa bansa simula Hunyo 21 hanggang Hunyo 23.

Si Guevarra ang magpapatakbo sa operasyon ng Exe­cutive Department sa loob ng tatlong araw.

Nakapaloob din sa special order No. 631 ang kautusan sa lahat ng departamento at ahensiyang nasa Ehekutibo na makipagtulungan kay Guevarra para sa maayos na takbo ng gobyerno habang ito ang OIC ng bansa.

Matatandaang itinalaga rin si Guevarra bilang caretaker ng bansa nang bumiyahe sa Japan ang Pangulo noong nakalipas na buwan. (Aileen Taliping)

The post Sec Guevarra, OIC habang nasa Bangkok si Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *