Sea games ipit sa kalikot budget ni Gloria

NANGANGAMBA ang ilang kongresista na baka maapektuhan ang hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) kung hindi maaaprobahan agad ang panukalang P3.757 trillion 2019 national budget.

The post Sea games ipit sa kalikot budget ni Gloria appeared first on Abante News Online.

sea games ipit sa kalikot budget ni gloria - Sea games ipit sa kalikot budget ni Gloria
gloria 12 - Sea games ipit sa kalikot budget ni Gloria

NANGANGAMBA ang ilang kongresista na baka maapektuhan ang hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) kung hindi maaaprobahan agad ang panukalang P3.757 trillion 2019 national budget.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) executive council member at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay, malaki ang kakaharapin nilang problema sa kick-off ng SEA Games sa Nobyembre kung hindi maaaprobahan agad ang ­panukalang budget.

“Baka August pa raw ma-approve ang budget so it’s a cause of alarm. Imagine mo kung August ma-approve and budget, three months is too close,” saad ni Pichay.

Ngunit ayon naman kay POC chairman Abraham ‘Bambol’ Tolentino, hindi nila isusuko ang pagho-host ng SEA Games.

Nanindigan naman si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi ang Senado ang dapat sisihin kung hindi matutuloy ang hosting ng Pilipinas sa biennial regional multi-sports event kundi ang Kamara.

“Sabihin niya (Pichay) sa mga kasama niya,” diin ni Sotto sa panayam ng Abante.

Nabitin ang pagpapatibay ng 2019 ­national budget matapos na hindi pirmahan ni Sotto ang enrolled copy ng panukala dahil sa natuklasang P95 billion ­insertion sa post-bicam report.

Papayag lamang si Sotto na lagdaan ang enrolled bill upang sa gayon ay maisabatas na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung babawiin ng Kamara ang mga ni-realign sa national budget.

Itinanggi naman ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na siya ang utak ng insertion sa national budget.
“I did not micromanage…I don’t want also to micromanage their negotiations,” wika ni Arroyo.

Nagtalaga ang Speaker ng tatlong ­kongresista upang makipag-usap sa tatlong kinatawan ng Senado para ma­ayos ang gusot sa panukalang budget sa ­susunod na linggo.

The post Sea games ipit sa kalikot budget ni Gloria appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *