Scalawag sa hudikatura, wawalisin ko — Bersamin

Tiniyak ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na wawa­lisin niya ang mga “sca­lawag” sa Hudikatura, kasunod ng pormal ng pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

The post Scalawag sa hudikatura, wawalisin ko — Bersamin appeared first on Abante News Online.

scalawag sa hudikatura wawalisin ko bersamin - Scalawag sa hudikatura, wawalisin ko — Bersamin
cj bersamin - Scalawag sa hudikatura, wawalisin ko — Bersamin

Tiniyak ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na wawa­lisin niya ang mga “sca­lawag” sa Hudikatura, kasunod ng pormal ng pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Hindi umano niya gustong mangyari na mawalan ng tiwala ang publiko sa korte kaya kinakailangang tanggalin o turuan ng leksiyon ang mga maituturing na “scalawag” sa Judicial department.

Ayon kay Bersamin, paiigtingin pa niya ang isinasagawang paglilinis sa hudikatura at sa hanay ng legal practice.

Sinabi pa ng Punong Mahistrado, kinakaila­ngang ang mga mana­natili sa Judiciary at sa hanay ng mga abogado ay ang mapagkakatiwalaan dahil wala nang ibang magiging takbuhan ang publiko kung sakali mang pumalya ang Judicial department sa bansa dahil sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC na epektibo na noong Marso 17.

“Hindi ko naman sinasabi na lumala noong umupo ako pero ‘yang paglilinis sa hudikatura, prayoridad ko yan,” ayon kay Bersamin.

Kabilang umano ang “Judicial cleansin­g” sa mga inilatag na programa ni Bersamin nang ito ay maupong Chief Justice noong nakaraang taon kung saan ay mayroon na itong sinampulang dalawang Regional Trial Court judge sa lalawigan ng Abra kung saan ito lumaki.

Bukod rito,kabilang rin sa mga priyoridad na programa ni Bersamin na mapabilis ang pagresolba sa mga kaso sa mga Hukuman.

The post Scalawag sa hudikatura, wawalisin ko — Bersamin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *