SC sinuway ng DENR sa ‘white sand’

Pinako-contempt ng grupong Akabayan sa Supreme Court (SC) ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa ginawang pagtatambak ng kontrobersiyal na dolomite sand sa Manila Bay bilang bahagi ng hakbang na pagandahin ang lawa.

The post SC sinuway ng DENR sa ‘white sand’ first appeared on Abante.

sc sinuway ng denr sa white sand - SC sinuway ng DENR sa ‘white sand’
abante white sand 6 - SC sinuway ng DENR sa ‘white sand’

Pinako-contempt ng grupong Akabayan sa Supreme Court (SC) ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa ginawang pagtatambak ng kontrobersiyal na dolomite sand sa Manila Bay bilang bahagi ng hakbang na pagandahin ang lawa.

Sama-samang naghain ng mosyon sa SC sina Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales , Akbayan Youth Chairperson Dr. RJ Naguit at Akbayan-Manila Youth Leader Rafaela David para igiit na ang pagtatambak ng DENR ng dolomite sand sa Manila Bay ay direktang paglabag.

Hiniling rin ng grupo sa SC na i-convene ang Manila Bay Advisory Committee (MBAC),na pinamumunuan ni Chief Justice Diosdado Peralta na rebisahin at determinahin ang epekto ng dolomite dumping operations.

Sinabi ni Rosales na una nang kinilala ng SC ang massive environmental pollution ng Manila Bay, kaya nag-isyu ng mandamus judgment noong 2008 at inatasan ang DENR at iba pang ahensiya na protektahan at linisin ang Manila Bay.

Ayon kay Rosales, ang pagtatambak ng dolomite sand ng DENR ay isang banta sa kalusugan at kapaligiran at inamin na ang proyekto ay hindi alinsunod sa Manila Bay Sustainable Development Master Plan at ang pagtanggi na tuparin ang kanilang obligasyon na magsumite ng public reports kaugnay sa naturang artipisyal na beach enhancement project ay isa umanong paglabag sa mandamus judgment ng SC.

“Obviously, there is a need to save Manila Bay. But it has to be saved the right way. Right now, Manila Bay needs to be saved from incompetent and grandstanding public officials who resort to dangerous cosmetic solutions,” ayon kay Rosales.

Sinabi naman ni Naguit na malaking banta sa kaban ng bayan, kalikasan at kalusugan ang pagtatambak ng dolomite sand sa Manila Bay at mas mabuti na ang ginugol na pondo sa proyekto ay ginamit na lamang sa mga hospital at health workers.

Kasabay nito ay iginiit ni dating congressman at Infrawatch PH convenor Terry Ridon kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin na ang Manila Bay white sand project.

“Inanod na po yung P28 million, wag na po natin pabayaan anurin yung susunod na P368M. Time to cut our losses; suspend the Manila Bay white sand project, Mr. President,” bahagi ng mensahi ni Ridon sa kanyang Facebook page.( Juliet de Loza-Cudia/Eileen Mencias)

The post SC sinuway ng DENR sa ‘white sand’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *