SC sinuspindi lipat preso sa BuCor

Inutos ng Supreme Court (SC) ang pansamantalang suspensiyon hanggang Agosto 31, 2020 ang pagpapatupad ng commitment order para sa paglilipat ng mga preso mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) patungo sa mga pasilidad na hawak ng Bureau of Corrections (BuCor).

sc sinuspindi lipat preso sa bucor - SC sinuspindi lipat preso sa BuCor
Supreme Court - SC sinuspindi lipat preso sa BuCor

Inutos ng Supreme Court (SC) ang pansamantalang suspensiyon hanggang Agosto 31, 2020 ang pagpapatupad ng commitment order para sa paglilipat ng mga preso mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) patungo sa mga pasilidad na hawak ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ipinahayag ni Court Administrator Jose Midas Marquez, batay sa Circular No. 125-2020, epektibo ang suspensiyon nitong Miyerkoles, Hulyo 29, kaya hindi muna maaaring maglipat ng mga bilanggo sa mga jail facility ng BuCor kabilang na ang New Bilibid Prisons (NBP).

Nabatid na inisyu ang kautusan dahil na rin sa kahilingan ni BuCor Director General Gerald Bantag noong Hulyo 22 na suspindihin muna ng mga korte ang pag-iisyu ng commitment order habang mataas pa ang bilang ng mga presong may COVID-19 sa NBP.

Base sa ulat, may 21 preso na ang nasawi sa NBP dahil sa COVID-19. (Julie de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *