SC naisahan sa bidding ng Meralco-MVP

TAMANG duda ang grupong Matuwid na ­Singil sa Kuryente (MSK) sa pinagmamalaki ng ­Manila Electric Company­ hinggil sa tagumpay umanong bidding o ang tinatawag na competitive selection process (CSP) para sa suplay ng kuryente sa susunod na 10 taon.

sc naisahan sa bidding ng meralco mvp - SC naisahan sa bidding ng Meralco-MVP
mvp meralco1 1 - SC naisahan sa bidding ng Meralco-MVP

TAMANG duda ang grupong Matuwid na ­Singil sa Kuryente (MSK) sa pinagmamalaki ng ­Manila Electric Company­ hinggil sa tagumpay umanong bidding o ang tinatawag na competitive selection process (CSP) para sa suplay ng kuryente sa susunod na 10 taon.

Ayon kay David Celestra Tan ng MSK, bakas na bakas ang pagluluto sa bidding ng Meralco.

Una: third party dapat ang magsasagawa ng bidding pero karamihan sa nagpa-bidding ay mga empleyado ng Meralco at iilang tagalabas.

Pangalawa: Isang linggo lamang ang ibinigay ng Meralco sa mga bidder para bilhin ang bid document at 40 na araw lamang para pag-aralan ito at magkuwenta ng kanilang bid, kahit para sa 1,200 megawatt na tinatawag na greenfield project na sa 2024 pa kakailanganin.

Sabi ni Tan, tila pinagsasamantalahan ng Meralco ang pagpapamadali ng bidding para tanging ang mga plantang umaandar na ngayon ang maaring makasali kahit na matagal pa ang pangangailangan sa suplay na kukuhanin.

Masyado kasing magkasunod ang bidding­ para sa tinatawag na baseload na 1,200 megawatt para sa 10 taon at ang tinatawag na 500 MW na mid merit at agad ding sinunod ang bidding para sa 1,200 MW na greenfield project na sa 2024 pa kukuhanin kaya’t nakapagkunwari itong binid ang 1,200 MW na kukuhanin sa Atimonan One Energy project na Meralco din ang may-ari.

Babala pa ni Tan, maaring gimik lang ito para sa iba pang mga gagawin na pa-bidding ng Meralco para sa susunod pa nitong mga power­ supply agreement.

Tanong ng MSK, paano paniniwalaang transparent ang bidding kung mga taga-Meralco ang karamihan na nakaupo sa bidding committee at P6 milyon ang halaga ng bid document. Dagdag pa ng grupo, paano magkakaroon ng tunay na kompetisyon sa bidding kung pitong araw lamang ang binibigay sa mga bidder para pag-aralan ang dokumento at hindi maire-refund ang P6 milyon.

Ang ikatlong package na pina-bid ng Meralco na para sa 1,200 MW na greenfield base load ay itinuring pang super critical high efficiency, low emission coal plant technology. Apat sana ang sasali dito, kasama na ang dalawang kompanya ng San Miguel at isang kompanya ng mga Lopez na First Gen na umatras nang walang dahilan kaya’t tanging ang Atimonan One Energy lang ang nakapagsumite. Ayon sa patakaran ng Department of Energy sa CSP, isa pang failed bidding at maari nang i-negotiate ang kontrata sa naiwang bidder at magiging legal na legal na ang pagkuha ng Meralco ng suplay sa sarili nitong kompanya ng kahit magkano.

“Is it a surprise that only Atimonan One submitted the lone bid and the bidding is declared a failure…one more such failure and the contract will automatically be negotiated (legally this time!) with the lone bidder. Exactly what the Supreme Court admonish against,” sabi ni Tan.

Dudang-duda ang MSK kung talagang makatiti­pid nga ba ang mga consumer sa isinagawang bidding ng Meralco.

“For now, we are not convinced about Meralco’s grandiose claim of a P35 billion savings for the consumers. We cannot see it in the numbers,” sabi ni Tan.

Hindi pa nakapagbibigay ng komento ang kompanyang pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan sa alegasyon ni Tan. ­

(Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *