SC kasado sa petisyon sa GCTA

Kasado na ang Korte Suprema sandaling dumugin ito ng maghahain ng petisyon sa kontrobersiyal na implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ng RA 10592.

sc kasado sa petisyon sa gcta - SC kasado sa petisyon sa GCTA
Supreme court 1 - SC kasado sa petisyon sa GCTA

Kasado na ang Korte Suprema sandaling dumugin ito ng maghahain ng petisyon sa kontrobersiyal na implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ng RA 10592.

Sa get together event sa pangunguna ng magreretirong si Chief Justice Lucas Bersamin ay sinabi nito na handa na ang kanilang tanggapan na saluhin, iproseso at talakayin ang anumang petisyon na ihahain kaugnay ng GCTA hanggat mayroon itong kumpletong technical at procedural requirement at justiciable ang isang petisyon.

“Kung ang isang petition ay kumpleto ng compliance sa technical requirements or procedure requirements ay ipo-proseso ng Supreme Court yan. As to what issues would be raised there, it will depend on whether the issue is premature or not yet justiciable. Assuming na justiciable na yan it can be accept. Although, we will wait for such eventuality doon sa GCTA,” ayon kay Bersamin.

“Patungkol sa GCTA, mahirap kong pangunahan kung ano ang ipa-file. It all depends on the crafting of the petition whether the Supreme Counrt can exercise its jurisdiction on a particular matter,” dagdag nito.
Naunang nang tinalakay ng kataas-taasang hukuman ang petisyon ng ilang inmates ng New Bilibid Prison patungkol sa guidelines ng batas at kung maari bang ipatupad ito retroactively.

(Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *