Saudi Arabia nangangailangan ng 1K nurse

Nangangailangan ngayon ng 1,000 nars ang Kingdom of Saudi Arabia (KSA), ayon sa impormasyon mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
The post Saudi Arabia nangangailangan ng 1K nurse appeared first on Abante News Online.


Nangangailangan ngayon ng 1,000 nars ang Kingdom of Saudi Arabia (KSA), ayon sa impormasyon mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Ito’y matapos buksan ng Ministry of Health ng KSA ang mga posisyon sa trabaho dahil sa pangangailangan sa mga babaeng nurse specialist, ayon sa ulat.
Bukod sa isang degree sa nursing, ang mga aplikante ay dapat lisensiyado ng Professional Regulation Commission na may karanasan na hindi bababa sa isang taon.
Ang mga matatanggap na aplikante ay may libreng pagkain, tirahan at taunang bakasyon na may bayad.
Ang mga nais mag-aplay ay kailangang magparehistro muna sa website ng POEA at isumite ang mga kinakailangang dokumento sa naturang ahensiya sa Mandaluyong City. (Mina Aquino)
The post Saudi Arabia nangangailangan ng 1K nurse appeared first on Abante News Online.