Sara tinokhang sa Facebook

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur — Halos apat na buwan na umanong hindi ma-access ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang Facebook account dahil sa hinihinalang pangha-hack ng ilang grupo na konektado sa kanyang mga kritiko.

The post Sara tinokhang sa Facebook appeared first on Abante News Online.

sara tinokhang sa facebook - Sara tinokhang sa Facebook
abante Sara Duterte - Sara tinokhang sa Facebook

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur — Halos apat na buwan na umanong hindi ma-access ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang Facebook account dahil sa hinihinalang pangha-hack ng ilang grupo na konektado sa kanyang mga kritiko.

Sa isang panayam sa Pagadian City, sinabi ni Duterte na noon pang Enero niya hindi magamit ang kanyang personal Facebook handle na “Sara Zimmerman Duterte”.

“‘Yung sa akin matagal na… matagal ng (naka locked) ‘yung sa akin,” paliwanag ni Duterte.

Ayon kay Mayor Sara, sa tuwing sinusubukan niyang buksan ang kanyang account ay lumilitaw na “temporarily locked out” ito dahil umano sa ‘massive reporting’ na ginagawa ng mga online troll lalo na kung may mga post siya tungkol sa politika.

Paliwanag ng Presidential daughter, wala namang kaso sa kanya kung hindi niya magamit ang kanya personal Facebook account dahil nawalan na din siya ng oras sa paggamit ng social media sapul noong nag-umpisa na ang kampanyahan para sa mga senatoriable na sinusuportahan ng kanyang partido, ang Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Mas feel na daw ng alkalde ng gamitin nga­yon ang social media platform na Instagram kung meron siyang personal o politikal na saloobin na gustong ipahayag sa publiko.

“Hindi naman ako nagrereklamo kasi wala din naman na akong masyadong time sa Facebook. The usual na ginagawa ko eh nagpo-post na lang ako sa Instagram,” paliwanag ni Mayor Sara.

Noong isang linggo, inanunsyo ng pamunuan ng Facebook na nagpasya silang alisin ang higit sa 200 na ‘Pro-Duterte’ pages dahil umano sa “coordinated, inauthentic behavior” nito.

Ang mga nasabing account ay konektado umano kay Nic Gabunda, na dating nagsilbi bilang social media campaign manager ni Pangulong Rodrigo Duterte noong halalan 2016.

Kinumpirma rin ni Davao City information officer Jefry Tupas na hindi mabuksan ni Mayor Sara ang kanyang account.

Ngunit paniwala ni Tupas, may koneksyon ito sa ginawang cyber tokhang ng Facebook.

Ayon kay Tupas, hindi na aniya ito nakapagtataka lalo na at mainit ngayon ang popularidad ng alkalde.

“Did you know guys that Mayor Inday Sara Zimmerman Duterte is one of the casualties of Facebook page? She’s locked out after her account was heavily reported. Hindi nakapagtataka,” ani Tupas. (JC Cahinhinan/Aileen Taliping)

The post Sara tinokhang sa Facebook appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *